Imigrasyon

Ang paninirahan sa isang bagong bansa ay nakatutuwa, ngunit ito rin ay nakahahamon. Marami kang dapat na gawin sa iyong unang pagdating. Sa seksyong ito ikaw ay makakakita ng impormasyon tungkol sa pagtira sa Ontario, permanenteng residensya, mga batas ng imigrasyon at ang iyong mga karapatan at mga tungkulin bilang isang mamamayan ng Canada.

Paninirahan sa Ontario

  • v
  • I-print
  • PDF
  • Idagdag sa Mga Paborito Ko
  • I-customize na ngayon
 

Anong uri ng panahon mayroon sa Ontario?

Ang Ontario ay isang napakalaking lalawigan. Ang klima o panahon ay depende sa lugar na kinaroroonan mo.

Ang Ontario ay mayroong 4 na mga kapanahunan (4 seasons): tag-init (summer), taglagas (fall), taglamig (winter) at tagsibol (spring). Kadalasan ang Enero ang pinakamalamig na buwan ng taon, at ang Hulyo ang pinakamainit.

Ang hilagang bahagi ng lalawigan ang may higit na mahaba at malamig na panahon ng taglamig kaysa sa timog na bahagi ng Ontario.

  • Tagsibol (Spring) – Marso 20 hanggang Hunyo 20Ang tagsibol ay isang maulan na panahon sa karamihang bahagi ng Ontario. Siguraduhin mo lamang na mayroon kang payong at kapote upang manatiling tuyo. Ang karaniwang mga temperatura sa araw ay humigit-kumulang na 8°C sa Marso at tumataas ng dahan-dahan sa buong kapanahuhang ito. Ang mga gabi ay malamig.
  • Tag-init (Summer) – Hunyo hanggang Setyembre 21Ang Hulyo at Agosto ay maaaring napakainit (hot) at malagihay (humid). Sa timog na bahagi ng Ontario, ang kadalasang temperatura sa araw ay mataas sa 20°C at kung minsan ay lagpas sa 30°C. Sa tag-init dapat kang magsuot ng sumbrero at sunscreen upang maiwasan ang pagkasunog ng balat.
  • Taglagas [Fall (Autumn)] – Setyembre 22 hanggang Disyembre 20Ang panahon ay nagiging malamig, ang mga araw ay nagiging maikli, at ang mga dahon karamihan sa mga puno ay nagbabago ng kulay at nahuhulog sa lupa. Ang pinakamaagang bahagi ng taglagas ay maulan sa ilang bahagi ng Ontario. Gayun paman, sa ibang mga hilagang bahagi ng Ontario, maaaring magsimula nang umulan ng niyebe sa Oktubre. Ang temperatura ay dahan-dahang bababa sa panahon ng taglagas. Siguraduhin lamang na magsusuot ka ng dyaket at magdadala ng isang payong upang mapanatiling mainit at tuyo.
  • Taglamig (Winter) – Disyembre 21 hanggang Marso 19Sa taglamig, madalas ay malamig (cold) at maulan ng niyebe (snows). Ang temperatura sa halos buong lalawigan ay madalas na mababa sa 0°C, sa araw at gabi. Ang mga temperatura ay maaaring bumaba sa 30°C, na maaaring mapanganib kung wala kang tamang kasuotan. Sa taglamig, kailangan mong manamit ng patong-patong at magsuot ng sumbrero upang manatiling mainit.

Para sa mga karagdagang impormasyon:

(1) Canadian Weather Network:
http://www.theweathernetwork.com/

(2) Weather Conditions and Forecasts in Ontario:
http://findlink.at/weather1

(3) Weather & Geography:
http://findlink.at/onweathgeo

(4) Winter Road Conditions Reports:
http://findlink.at/ontmtocond

(5) Dress For Winter:
http://findlink.at/dreswinter